14 March 2025
Calbayog City
Local

Mayor Monmon Uy, hinimok ang mga kawani ng Calbayog City Government na suportahan ang kanyang liderato at mga programa ng lokal na pamahalaan

MATAPOS ang new year’s holiday, pinangunahan ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang flag raising ceremony para sa pagbabalik ng normal na operasyon sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Mayor Mon na ang inisyal na rekomendasyon para sa Service Recognition Incentive (SRI) ay 10,000 pesos lamang subalit iginiit niya na gawing 15,000 pesos, na sa huli ay inaprubahan naman.

Hinimok ng Alkalde ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Calbayog na suportahan ang kanyang liderato, pati na ang mga programa ng local government.

Noong nakaraang taon ay tumanggap ng maraming awards para sa good government practices ang Calbayog City, kabilang na ang Seal of Good Financial Housekeeping mula sa Department of the Interior and Local Government.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *