DARATING sa bansa si WNBA superstar Sabrina Ionescu sa susunod na buwan.
Bibisitahin ng sharpshooting, one-time league champion ng New York liberty sa kanyang first Asia Tour ang Pilipinas at China.
Layunin ni Sabrina na ibahagi ang mensahe ng empowerment sa kabataang basketball players at ipakilala pa ang kanyang sarili sa buong mundo.
Sa Araneta Coliseum ay malapitang masasaksihan wnba superstar kung paano maglaro ng basketball ang pinoy hoopers.
Magiging bahagi rin siya ng exhibition game at 3-point shootout challenge sa March 11, alas kwatro ng hapon.