22 November 2024
Calbayog City
National

Caloocan Bishop Pablo  Virgilio David, hinirang na Cardinal ni Pope Francis

HINIRANG ni pope francis si caloocan bishop pablo virgilio david bilang cardinal ng Simbahang Katolika sa Disyembre.

Ayon sa Vatican, si David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay kabilang sa dalawampu’t isang mga kardinal na iluloklok sa Dec. 8, 2024.

Ang mga kardinal na ikalawa lamang sa Santo Papa sa  hierarchy, ay ang nagsisilbing pinakamalalapit na tagapayo ng pinakamataas na lider ng simbahan.

Si David na binotong CBCP President noong 2021 at na-reelect noong 2023, ay vocal critic ng madugong anti-drugs campaign at red-tagging ng nakalipas na Duterte Administration.

Na-ordinahan si David bilang pari sa Archdiocese of San Fernando noong 1983, at itinalaga bilang Auxiliary Archbishop sa kaparehong Archdiocese  noong 2006, at inilipat sa Caloocan Diocese noong January 2016.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).