WALANG balak si dating Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang kaniyang mga abogado na humahawak sa kaniyang mga kaso sa International Criminal Court.
Sa panayam sa The Hague, sinabi ni Vice President Sara Duterte na nakausap niya muli ang kaniyang ama at sinabi nitong kuntento siya sa serbisyo ng kaniyang lead counsel na si Atty. Nicholas Kaufman at associate counsel Dov Jacobs.
ALSO READ:
May mga instructions lang aniya si FPRRD sa kaniyang legal team.
Sa kaniyang pagbisita sinabi ni VP Sara na “okay” ang kalagayan ng kaniyang ama.
Itinakda ng ICC ang confirmation of charges para sa mga kaso ng dating pangulo sa Feb. 23.




