7 July 2025
Calbayog City
Entertainment

OPM Legend Hajji Alejandro, pumanaw matapos makipaglaban sa colon cancer

NAGLULUKSA ang Music Industry sa pagpanaw ng OPM legend na si Hajji Alejandro, sa edad na 70.

Batay sa anunsyo ng kanyang pamilya kahapon, binawian ng buhay si Hajji matapos makipaglaban sa colon cancer.

Tinagurian bilang “Kilabot ng mga Kolehiyala,” nagsimula ang music career ni Hajji noong dekada sitenta.

Matapos maging bahagi ng Circus Band, nagpasya ang singer na i-pursue ang solo career.

Nakilala siya sa kanyang signature song na “Kay Ganda ng Ating Musika,” na naging anthem para sa Filipino musicians.

Si Hajji rin ang umawit ng hit songs, gaya ng “Nakapagtataka,” “Tag-araw, Tag-ulan,” “May Minamahal,” at “Panakip Butas.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).