LUMOBO ang utang ng Pilipinas sa panibagong record-high hanggang noong katapusan ng Hulyo, dahil sa patuloy na pangungutang ng pamahalaan para mapunan ang kinakailangang budget.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, umakyat sa 15.689 Trillion Pesos ang outstanding debt ng pamahalaan, na mas mataas ng 1.3% mula sa 15.483 Trillion Pesos na utang hanggang noong katapusan ng Hunyo.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Ayon sa treasury, ang 206.49 Billion Pesos na pagtaas ng utang sa pagitan ng magkasunod na buwan ay bunsod ng net issuance ng domestic at external debts. Nakasaad din sa datos na simula Enero hanggang Hulyo ay umabot na sa 642.8 Billion Pesos ang fiscal deficit ng national government, na mas mataas ng 7.21% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.