SUGATAN ang isang police officer matapos saksakin ng kanyang co-accused na kabaro habang nasa restrictive custody sa Camp Crame sa Quezon City, bunsod ng 13.45-Million Peso Theft Case.
Batay sa police report, nangyari ang insident sa kusina ng pasilidad, kung saan naka-kustodiya ang dalawang opisyal kasama ang apat pang co-accused, kahapon ng umaga, bago ang kanilang preliminary investigation sa Quezon City Prosecutor’s Office.
81.6 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Pasay City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Public school teacher, nasawi sa gitna ng classroom observation sa Muntilupa City
Sa inisyal na impormasyon, unang pumasok sa kusina ang biktima na isang executive master sergeant at makalipas ang ilang sandali ay sumunod ang suspek na isang senior master sergeant.
Bigla umanong bumunot ng kutsilyo ang suspek at nang mapansin ito ng biktima ay agad siyang tumakbo at niyakap ang suspek para pigilan.
Gayunman, sa naturang posisyon ay nagawang saksakin ng senior master sergeant ang executive master sergeant sa likuran.
Agad isinugod ang biktima sa kalapit na PNP General Hospital upang malapatan ng lunas, at kasalukuyang inoobserbahan dahil sa dami ng dugong nawala.
