4 February 2026
Calbayog City
Local

Dengue Outbreak sa Calbayog City,  masusing tinututukan ng lokal na pamahalaan

NAGPATAWAG ng pulong si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa City Health Officials at City Disaster Risk Reduction and Management Office para tumanggap ng update hinggil sa sitwasyon ng dengue sa lungsod.

Iprinisinta ng City Health Office ang kanilang assessment, kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapaigting sa “Search and Destroy” Operations sa bawat barangay, lalo na sa mga mayroong napaulat na mga nagkakasakit.

Layunin ng hakbang na ito na matanggal ang mga pinag-iitlugan ng mga lamok na may dalang dengue at maiwasan ang paglaganap pa ng virus.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).