TINAKOT umano ng tinaguriang “flood control king” na si Curlee Discaya ang ilang miyembro ng Kamara na isasama ang kanilang mga pangalan sa isang ledger kung hindi magbabayad ng utang mula sa advance payment ng nagkaproblemang proyekto.
Sa isang panayam sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na aabot sa milyon-milyong piso ang hinihingi ni Curlee Discaya sa mga mambabatas para burahin ang kanilang pangalan sa listahan.
Hindi rin ligtas sa pananakot ang mga DPWH officials at regional directors na hinihingan naman umano ng aabot sa 30 hanggang 40 million pesos ni Curlee.
Ayon kay Lacson ang mga advance payment na ito ay kinuha ng mga kongresista habang nasa National Expenditure Program pa lamang ang proyekto, pero hindi natuloy nang pumutok na ang isyu tungkol sa flood control scandal.
Biro pa ni Lacson, dapat maging “charge to experience” na lang sa mga mambabatas ang mga proyektong hindi natuloy dahil sumugal agad sila na mapupunta sa kanila ang proyekto.




