BILANG tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-adopt ng mga pinakabagong teknolohiya at inobasyon upang pagandhin ang serbisyo publiko, tinitingnan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Advance Traffic Detection gamit ang Artificial Intelligence kasunod ng malaking pagbabago sa Traffic Management o pamamahala sa trapiko sa pamamagitan ng Adaptive Signaling System ng ahensiya.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na nais ng ahensiya na gumugol ng inobasyon sa pamamagitan ng Advancing Traffic Detection mula sa Ground Loop Detector patungong Video Detector.
Ayon sa MMDA Traffic Engineering Center (TEC), ang Traffic Signal System na mayroong Video Detectors ay hindi gaanong madaling mapipinsala o masisira sa mga roadworks, masamang panahon, at physical interference.
Sa pamamagitan ng AI-Technology, makukuhanan nito ng karagdagang impormasyon ang mga sasakyan gaya ng speed, direction, at license plate numbers.
Nitong nakaraang linggo ay inanunsyo ng MMDA na tinanggal nito ang Traffic Light Countdown Timers sa 96 intersections sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila upang palitan ang lumang Fixed-Timer Traffic Lights na may kasamang Adaptive Signaling System na gumagamit ng sensors.