INIULAT ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng insidente ng krimen sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil, sa 17 police regional offices sa buong bansa ay nakapagtala ng pagbaba sa overall crime rate.
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Sa datos ng PNP, 26.76% ang pagbaba sa focus crimes kung saa mula sa 4,817 cases noong January 1 hanggang February 14, 2024, ay bumaba ito sa 3,528 cases sa parehong petsa ngayong 2025.
Kabilang sa focus crimes ang theft, robbery, rape, murder, homicide, physical injury, at carnapping ng motorcycles at motor vehicles.
Pinakamalaking ibinaba ang mga insidente ng rape na mula sa 1,261 cases noong nakaraang taon ay bumaba sa 623 cases.
Ayon kay Marbil ito ay dahil sa patuloy na enforcement efforts ng kapulisan kabilang ang heightened police visibility sa high-crime areas, mas pinaigting na intelligence at investigative operations laban sa criminal networks, at mas pinalawig na paggamit ng digital platforms.
Nakatulong din ayon kay Marbil ang social media para magpalaganap ng public awareness laban sa mga krimen.