INIREKOMENDA ng House Committee on Ethics na suspindihin ng animnapung araw si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga.
Ito’y matapos patawan ang kongresista ng guilty sa Disorderly Behavior, kaugnay ng kanya umanong inappropriate social media post, na subject ng reklamo.
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Sa plenary session, kahapon, sinabi ni Panel Chairperson Cong. JC Abalos na ang nakaapekto ng negatibo ang aksyon ni Barzaga sa dignidad, integridad, at reputasyon ng kamara bilang institusyon.
Inirekomenda rin ni Abalos na alisin ni Barzaga ang lahat ng 24 social media ports na subject sa kaso sa loob ng dalawampu’t apat na oras mula nang i-adopt ang report sa plenaryo.
Tinanggap naman ng kongresista ang desisyon ng komite, subalit nanindigan ito na dapat managot si Pangulong Ferdinand Marcos mga nagawa nitong krimen.
