IDINEKLARA ng Court of Appeals (CA) sa Cagayan De Oro City na null and void o walang bisa ang Temporary Protection Order (TPO) na ipinagkaloob ng Davao City Court pabor sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC), ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra.
Sinabi ni Guevarra na inatasan din ng CA ang Davao Regional Trial Court Branch 15 na i-forward ang records ng kaso sa Quezon City Regional Trial Court, alinsunod sa direktiba ng Korte Suprema.
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Noong nakaraang buwan ay inilabas ng korte sa Davao ang TPO, kung saan inatasan ang PNP na itigil ang kanilang mga hakbang na banta sa kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng KOJC, sa harap ng pagsisilbi ng mga awtoridad ng warrant of arrest sa lider ng grupo na si Pastor Apollo Quiboloy.
Samantala, sa bahagi naman ng legal counsel ng KOJC na si Israelito Torreon, sinabi nito na iaapela nila ang desisyon ng appellate court.
