NAG-resign na bilang kongresista si ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap kasunod ng mga kontrobersiya sa pagkakasangkot nito sa flood control scandal.
Inanunsyo ang pagbibitiw ni Yap sa plenaryo ng Kamara.
Travel Ban, hindi pa kailangan sa kabila ng insidente ng pagkasawi sa Bangladesh dahil sa Nipah Virus
Sen. Marcoleta, itinangging nanawagan siyang i-give up ang Kalayaan Island Group
Pagbasura sa impeachment complaints laban kay Pangulong Marcos, pinal nang pinagtibay ng House Panel
Ika-3 impeachment complaint, isinampa laban kay VP Sara
Nagpadala ng letter of resignation si Edvic Yap kaya naman ang kaniyang pangalan, inalis a sa roll of members.
Si Edvic Yap ay kapatid ni Benguet Rep. Eric Yap.
Ang bank accounts ng magkapatid na Eric at Edvic, pati na ang kumpanyang inuugnay sa kanila na Silverwolves Construction at Sky Yard Aviation Corporation ay inisyuhan na ng freeze order ng AMLC.
Samantala, pinatawan ng dagdag na animnapung araw na suspensyon ng House of Representatives si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.
Sa botong 238 na sumang-ayon, sampu ang kumontra at siyam na nag-abstain ay inaprubahan ang rekomendasyon ng House ethics panel para ipataw ang dagdag na parusa laban sa mambabatas.
Ito ay dahil sa patuloy umano nitong pagpapakita ng “contempt acts” kahit umiiral na ang naunang suspensyon sa kaniya noong December 1, 2025 hanggang January 30, 2026.
Binanggit ni House ethics panel chairperson JC Abalos ang mga contemptuous acts ni Barzaga kabilang ang social media posts nito na nag-aakusa sa negosyanteng si Enrique Razon ng panunuhol sa miyembro ng National Unity Party; ang pahayag niya laban sa yumaong si Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop; at maraming iba pa.
Habang umiiral ang panibagong suspensyon, walang sweldo at walang allowance na tatanggapin ang mambabatas.
