20 August 2025
Calbayog City
Local

Commander-in-Chief, muling pinagtibay ang pangakong Serbisyo at Kapayapaan sa Eastern Visayas

MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hindi natitinag na Commitment sa Public Service at Kapayapaan sa kanyang pagbisita sa Eastern Visayas.

Mainit na sinalubong si Pangulong Marcos ni Major General Adonis Ariel Orio, Commander ng 8th Infantry (Stormtroopers) Division ng Philippine Army.

Sa kanyang pagbisita, binigyang diin ng pangulo ang matatag na partnership ng gobyerno sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtiyak sa Kapayapaan, Seguridad, at Kaunlaran sa rehiyon.

Pinuri rin ni Commander-in-Chief ang walang kapagurang pagsisikap ng Stormtroopers sa pagbabantay sa mga komunidad, kasabay ng pagbibigay diin na nananatiling mahalaga ang dedikasyon ng AFP sa pag-abot sa pangmatagalang Kapayapaan at Progreso ng mga mamamayan sa Eastern Visayas.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).