WALA pang isinusumiteng counter-affidavit sa Comelec si Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo laban sa subpoena na inihain laban sa kanya ng poll body.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na wala pa silang natatanggap na komunikasyon mula sa kampo ng sinibak na alkalde, kung itutuloy ang paghahain nila ng kontra-salaysay ngayong araw.
Mga mambabatas, dumepensa sa paghawak ng Kamara sa impeachment laban kay VP Sara
DOTr, mahigpit na pinababantayan ang airport security screening officers
Paggunita ng Holy Week sa buong bansa, nananatiling generally peaceful, ayon sa PNP
Paglikha ng compassionate at nagkakaisang bansa, panawagan ni PBBM sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng Easter Sunday
Noong nakaraang linggo ay inaprubahan ng poll body ang kahilingan ng kampo ni Guo na palawigin sa Sept. 1 mula Aug. 27 ang pagsusumite nila ng counter-affidavit laban sa subpoena.
Gayunman, inihayag ni Garcia na kung hindi pa rin makapaghain ang dating alkalde ng kontra-salaysay ngayong araw dahil suspendido ang pasok bunsod ng masamang panahon, ay maghihintay pa rin sila hanggang bukas.
Aug. 13 nang isilbi ng mga kinatawan ng Comelec ang subpoena laban kay Guo kaugnay ng material misrepresentation complaint na isinampa laban sa kanya.
