13 February 2026
Calbayog City
National

COMELEC, tiniyak na walang nagulong sistema kasunod ng pagkakadakip sa Tsino na nakumpiskahan ng spy equipment

WALANG namonitor na disturbance ang COMELEC sa kanilang systems matapos maaresto ang isang Chinese National na nahulihan ng umano’y spy equipment malapit sa punong tanggapan ng poll body sa intramuros, Maynila.

Tiniyak ni COMELEC Chairman George Garcia sa sambayanan na walang election data sa kanilang main office, kaya pasensya na lang sa mga nagtatangka.

Sa surveillance video ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR), dalawang Chinese na lalaki ang nakitang nag-aayos ng equipment na pinaniniwalaang ginagamit sa pang-e-espiya, nitong nakaraang weekend.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).