15 March 2025
Calbayog City
Local

COMELEC palalawigin ang “RAP Project” sa 6 na bayan at lungsod sa Eastern Visayas

PALALAWIGIN ng COMELEC ang “Register Anywhere Project” (RAP) sa anim na bayan at lungsod sa Eastern Visayas upang mahikayat ang mas maraming botante  na magpa-rehistro para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Eastern Visayas Regional Director Jose Nick Mendros, lahat ng election offices sa capital cities at towns ay magpapatupad ng RAP simula sa Feb. 12.

Ipatutupad ang RAP sa Tacloban City sa Leyte, Catbalogan City sa Samar, Catarman sa Northern Samar, Borongan City sa Eastern Samar, Maasin City sa Southern Leyte, at Naval sa Biliran.

Maglalagay ng registration sites sa state universities and colleges upang hikayatin ang mga kabataang botante na lumahok sa halalan sa susunod na taon.

Inihayag ni Mendros na ang campus registration ay hindi lamang limitado sa mga enrollees, kundi pati sa iba pang mga nasa komunidad.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *