PAG-AARALAN at tatalakayin ng COMELEC ang napagkasunduang resolusyon ng kongreso na humihiling na isama ang sampung Enlisted Men’s Barrio (EMBO) Barangays sa Legislative Districts ng Taguig at Pateros.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na katatanggap pa lamang nila ng kopya ng resolusyon mula sa Senado at Kamara, at pag-uusapan pa nila ang legal na implikasyon nito.
Sa COMELEC Resolution No. 11069 na isinapubliko noong Miyerkules, in-adopt ng En Banc ang rekomendasyon ng Election Record and Statistics Department at ng Office of the Deputy Executive Director for Operations upang paborableng ikonsidera ang Ordinance No. 144 ng Taguig City.
Sa ilalim ng ordinansa, magkakaroon ng pagtaas ng bilang ng seats para sa Sangguniang Panlungsod na mula sa walo ay magiging labing dalawa para sa bawat councilor district.