NAGLABAS ang COMELEC ng Certificate of Finality and Entry of Judgement sa Disqualification ni Joey Chua, para sa proklamasyon ng kanyang katunggali na si Benny Abante, bilang Duly-Elected Representative ng ika-anim na distrito ng Maynila sa nagdaang Halalan 2025.
Sinabi ng COMELEC En Banc na naging Final and Executory ang desisyon sa apela ni Uy sa June 18 Resolution na nagpawalang bisa sa kanyang Certificate of Candidacy, nang hindi maglabas ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order laban sa Ruling sa loob ng 5-Day Reglementary Period.
Inatasan ng Poll Body ang Manila City Board of Canvassers na muling mag-convene at iproklama si Abante bilang kinatawan ng ika-anim na distrito ng Maynila.
Noong nakaraang linggo ay pinagtibay ng COMELEC En Banc ang Resolusyon na nagdedeklara kay Abante bilang nagwagi sa Congressional Race noong May 12 Elections.




