TINULDUKAN na ni Coco Martin ang usap-usapan na iniwan na niya ang long-time manager na si Biboy Arboleda.
Tinawanan lang ng aktor ang isyu at tinawag itong tsismis.
ALSO READ:
Sinabi rin ni Coco na walang anumang pagbabago sa kanyang Management.
Idinagdag ng aktor na mahal na mahal niya ang kanyang manager.
Una nang napabalita na in-unfollow ni Coco si Biboy sa Instagram, na naging mitsa ng usap-usapan ng kanila umanong paghihiwalay ng landas.
Gayunman, naka-follow pa rin naman ang girlfriend ni Coco na si Julia sa social media ni Biboy.




