13 July 2025
Calbayog City
National

Coast Guard nagtalaga ng dalawang barko sa Rozul Reef para bantayan ang mga mangingisdang Pinoy

NAGTALAGA ang Philippine Coast Guard (PCG) ng dalawang barko sa Rozul Reef sa West Philippine Sea para magtiyak ng seguridad ng mga mangingisdang Pinoy.

Kasunod ito ng naranasang pangha-harass ng mga nangingisdang Pinoy mula sa helicopter ng Philippine Liberation Army ng China.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Jay Tarriela, sa video at mga larawan na natanggap ng Coast Guard mula sa mga mangingisda na nakabalik na ng Palawan, kita ang ginawang pangha-harass sa kanila ng helicopter ng PLA.

Ani Tarriela, agad iniutos ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan ang deployment ng dalawang barko.

Ito ay para masigurong malayang makapangingisda ang mga Pinoy sa Rozul Reef.

Sinabi ni Tarriela na sa kabila ng banta mula sa Chinese Coast Guard, nananatili ang kumpiyansa ng mga Pinoy na maglayag at mangisda sa West Philippine Sea.

Siniguro ni Tarriela na nananatiling committed ang Coast Guard na bantayan ang karapatan ng mga mangingisdang Pinoy.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.