10 March 2025
Calbayog City
Sports

Dating NCAA finals MVP James Payosing, umalis sa San Beda para sa UP

LUMIPAT si James Payosing, dating NCAA champion sa ilalim ng San Beda Red Lions, sa Up fighting maroons.

Si Payosing na finals mvp nang manalo ang San Beda sa NCAA season 99 men’s basketball crown, ay may average na 9.7 points at 12.7 rebounds sa kanilang three-game series laban sa Mapua Cardinals.

Eligible na si payosing na maglaro sa UAAP season 89 makaraang magsilbi ng isang taong resindency.

Ang 6-foot-2 guard ay inaasahang magpapalakas sa roster ng fighting maroons sa susunod na taon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).