NAGPAKAWALA si Los Angeles Clippers Star Kawhi Leonard ng Career-High na 55 points, para makamit ng kanyang team ang 112-99 home victory kontra sa Eastern Conference leader na Detroit Pistons.
Pinalakas ng Clippers ang kanilang winning streak sa four games, kasabay ng pagbasag ni Leonard sa kanyang dating NBA best of 45 points sa ilalim ng Toronto.
ALSO READ:
Pilipinas, magsisilbing host ng unang SEA Plus Youth Games sa 2028
Alex Eala, kinapos kay Mirra Andreeva sa Macau Tennis Masters
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Bukod sa ginawang 55 points, nakapagtala rin ang 2-time NBA champion ng 11 rebounds, 5 steals, 3 blocked shots, at 2 assists.
Nagdagdag din si James Harden ng 28 points para sa CLippers habang pinangunahan ni Cade Cunningham ang Pistons sa kanyang 27 points.
