Namahagi ang Calbayog City Agriculture Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture Region 8, ng fertilizers sa Oquendo covered court.
Kabuuang limandaan apatnapu’t limang magsasaka ng bigas ang tumanggap ng fertilizers habang isandaan apatnapu’t walong iba pa na nasira ang mga pananim bunsod ng matinding pagbaha, ang pinagkalooban ng tseke mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.
Ayon kay CAO Officer-In-Charge, Engr. Tetchie Pagunsan, nakapagpamahagi na ang lungsod ng fertilizers sa mga magsasaka na nagtatanim ng hybrid rice.
Hinikayat din ni Pagunsan ang mga magsasaka na lumipat sa hybrid rice dahil mas marami ang maaring anihin at hindi madaling mapinsala.
Sa bahagi naman ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, hinimok nito ang mga magsasaka na samantalahin ang tulong na ipinagkakaloob ng gobyerno.