BINASAG na ng Cignalhd Spikers ang katahimikan kaugnay sa pag-alis nina Ces Molina at Riri meneses sa koponan bago ang pagsisimula ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ngayong buwan.
Kasunod ito ng anunsyo ng kanilang talent agency na Avior Talent Management, na kumalas na sa koponan ang dalawa.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Sa statement, inihayag ng Cignal na pinag-aaralan nila ang kanilang susunod na hakbang, kasama ang kanilang legal team kaugnay ng umano’y breach of contract ng dalawang players.
Ibinahagi rin ng Cignal na ipinabatid lamang sa agency nina Molina at Meneses na tatapusin na nila ang kanilang “live contract extension” nito lamang Jan. 6 para sa “unspecified opportunities abroad.”
