NAKA-isang hakbang na palapit sa bronze medal ang Cignal Hd Spikers makaraang padapain ang Chery Tiggo crossovers sa score na 25-19, 21-25, 25-15, 25-20 sa game 1 ng 2023 PVL 2nd All-Filipino Conference para sa third place, sa Mall Of Asia Arena.
Pinangunahan ni Vanie Gandler ang Cignal sa kanyang 21 points habang nag-ambag sina Jovelyn Gonzaga at Ces Molina ng 15 points at 13 points.
Nakapagtala naman si Pauline Gaston ng 14 points para sa Chery Tiggo habang sina Mylene Paat at Eya Laurel ay nakagawa ng tig-13 points.
Ang game 2 ng Best-of-Three Series ay gaganapin bukas, araw ng sabado sa Smart Araneta Coliseum.