DIREKTA nang pangangasiwaan ni Department of Trade and Industry Secretary Ma. Cristina A. Roque ang Construction Industry Association of the Philippines o CIAP at Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB.
Ayon kay Roque sasailalim sa kaniyang Direct Supervision ang CIAP at PCAB para matiyak ang pagkakaroon ng Transparency at Accountability matapos makaladkad ang dalawang tanggapan sa anomalya sa Flood Control Projects.
Sinabi ng kalihim na obligadong sumunod sa pagkakaroon ng Full Transparency at dapat makipagtulungan ang dalawang tanggapan sa mga imbestigasyon.
Tiniyak din ni Roque na pananagutin ang mga opisyal ng CIAP at PCAB na mapatutunayang nagkasala.
Sinabi ng kalihim na sumasailalim sa masusing Review at Clean-Up ang hanay ng CIAP at PCAB.




