KINONDENA ng Chinese Embassy sa Manila ang ipinasang resolusyon sa Senado na tumutuligsa sa mga public statement na inilalabas ng embahada ng China laban sa mga opisyal ng bansa.
Sa pahayag tinawag ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng na Anti-China ang resolusyon ng Senado.
Death toll sa lumubog na MV Kerstin 3 umakyat na sa 51
Dating House Speaker Jose De Venecia, pumanaw na
Ika-3 impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, nai-transmit na kay House Speaker Bojie Dy
Travel Ban, hindi pa kailangan sa kabila ng insidente ng pagkasawi sa Bangladesh dahil sa Nipah Virus
Ayon sa Chinese official, ilang mambabatas sa Pilipinas ang paulit-ulit na nagbabanta at binu-bully ang mga Chinese diplomats.
Nagpapanggap umano ang mga senador na inihahayag lang nila ang opinyon ng publiko pero ang totoo ay binabaluktot ang katotohanan.
Ayon pa sa tagapagsalita ng Chinese Embassy, ang ipinasang resolusyon ay isa lamang “political stunt”.
Sinabi ng embahada na kahit pa magpasa ng sampu o isangdaang anti-China resolutions ang Senado ng Pilipinas ay magpapatuloy ang paglaban nito sa mga malisyosong hakbang laban sa kanilang bansa.
