PINADAPA ng Charlotte Hornets ang Boston Celtics na kasalukuyang nangunguna sa Western Conference sa score na 121-118.
Naging mainit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan na umabot pa sa overtime sa pangunguna ng Hornets Guard na si Lamelo Ball, na siya ring nagpatabla sa laro.
Nagtala si Ball ng 36 points, 9 rebounds, at 8 assists na sinundan naman ng winning 3 point shot ni Miles Bridges at nagpadapa sa Celtics.