SA ika-anim na araw ng paghahain ng kandidatura para sa may 2025 Elections, walong senatorial aspirants at labing apat na party-list groups ang nag-sumite ng Certificates Of Candidacy (COC).
Dahil dito, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na umabot na sa pitumpu’t walo ang aspirante sa pagka-senador habang walumpu’t pito sa party-list groups.
Kabilang sa mga naghain ng COC kahapon ay sina Singer-Lawyer Jimmy Bondoc, Cong. Erwin Tulfo, at Senador Pia Cayetano.
Ilan naman sa mga party-list groups na naghahangad na makapwesto sa kamara ay ang Pinoy Workers Partylist, Pusong Pinoy, Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa, ACT Teachers, 1ticktok Party-List, Ako Padayon Pilipino, at TUPAD.
Ayon kay Garcia, marami-rami pa rin ang inaasahan nilang dadagsa para maghain ng kandidatura hanggang bukas, na last day ng filing ng COC.