PANSAMANTALANG isa-shutdown ang Centralized Cooling System sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, bukas at sa Miyerkules.
Ito ay para bigyang daan ang isasagawang labindalawang oras na system upgrade sa naturang pasilidad.
Sa advisory, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na isa-shutdown ang Centralized Cooling System ng NAIA Terminal 3 simula alas nueve ng gabi bukas, July 16 hanggang alas nueve ng umaga ng Miyerkules, July 17.
Sa nabanggit na oras, tanging fans at blowers lamang ng air conditioning units ang gagana para magkaroon ng sirkulasyon ng hangin sa iba’t ibang lugar.