Ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development Field Office VIII ang Centenarian Privilege sa isang sentenaryo sa bayan ng Hilongos sa lalawigan ng Leyte.
Si lola Lucia ay ang ikatlong centenarian mula sa nasabing bayan.
Iginawad sa kanya ang cash incentive na nagkakahalaga ng P100,000 at liham ng pagbati mula kay pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ipinagkaloob din kay lola Lucia ang P20,000 na cash gift mula naman sa lokal na pamahalaan ng Hilongos sa pangunguna ni Municipal Mayor Manuel Villahermosa.
Isa lamang si lola Lucia sa 80 na centenarian sa buong Eastern Visayas na nakatakdang gawaran ng parehong pribilehiyo ngayong taon.
Nanawagan naman ang DSWD Field Office VIII sa iba pang senior citizens at sa kanilang pamilya sa buong rehiyon na nakatakdang sumapit sa kanilang isang daang taon na direktang makipag-ugnayan sa kanilang mga City o Municipal Social Welfare and Development Offices.
Ito ay upang mai-proseso ang aplikasyon.