27 April 2025
Calbayog City
National

CBCP, hiniling sa publiko na ipagpatuloy ang pagdarasal para kay Pope Francis na nasa kritikal na kondisyon

HINILING ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na ipagpatuloy ang pagdarasal para kay Pope Francis.

Nananatiling nasa kritikal na kondisyon ang Santo Papa sa Gemelli Hospital sa Roma, kung saan ito naka-confine simula noong Feb. 14.

Ginawa ng CBCP ang kahilingan sa pamamagitan ng facebook post, kung saan ibinahagi rin ang latest update sa lagay ng kalusugan ni Pope Francis na inilabas ng Holy See Press Office.

Nakasaad na hindi pa rin ligtas ang Santo Papa, at kahapon ng umaga ay dumanas ito ng “Asthma-Like Respiratory Crisis Of Prolonged Intensity” na nangailangan ng administration ng high-flow oxygen.

Nakitaan din ang kanyang blood test ng thrombocytopenia, associated with anemia, na nangailangan din ng administration ng blood transfusion.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).