Nakipag-partner ang Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) sa major automotive dealer na Toyota Tacloban upang i-train ang nasa dalawampung manggagawa sa automotive servicing kada dalawang buwan.
Nang lagdaan ang kasunduan, sinabi ni TESDA Eastern Visayas Regional Director Gamaliel Vicente Jr., na ang kanilang pakikipagsanib-puwersa ay bahagi ng kanilang goal upang makipag-unayan sa mga pribadong kumpanya para makalikha ng mas mas maraming skilled workforce sa bansa.
Ang bawat batch ng 20 scholars ay makatatanggap ng automotive servicing training sa TESDA Regional Training Center na may National Certifications I at II sa loob ng animnapu’t tatlong araw.