15 March 2025
Calbayog City
Province

Cavite Province nagdeklara ng state of calamity dahil rin sa malawakang pagbaha

NAGDEKLARA na ng state of calamity ang lalawigan ng Cavite dahil sa epekto ng Bagyong Carina.

Ang pagdedeklara ng state of calamity ay para magamit ng mga Local Governments ang kanilang emergency funds para sa pagbibigay tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Ilang lugar sa Cavite ang nagtala ng pagbaha gaya sa Rosario, Kawit, Bacoor, Trias at Imus.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).