22 November 2024
Calbayog City
National

Cavite Gov. Jonvic Remulla, papalit kay DILG Secretary Benhur Abalos

Nakatakdang manumpa ngayong Martes si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang Interior and Local Government Secretary, ayon sa kanyang kapatid na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sinabi ng Justice Secretary na manunumpa ngayong umaga ang kanyang kapatid, na aniya ay aatras na sa pagkandidato sa eleksyon sa susunod na taon.

Binitawan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang posisyon nito makaraang maghain ng Certificate of Candidacy sa pagka-senador.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).