7 July 2025
Calbayog City
Metro

Cashless transactions sa LRT at MRT, sisimulan sa Hulyo

MAAARI nang gamitin ng mga pasahero ang kanilang debit cards, credit cards, at E-wallets para ipambayad ng pasahe sa LRT at MRT simula sa Hulyo.

Ito, ayon sa Department of Transportation (DOTr), ay upang maiwasan ang mahabang pila sa mga istasyon ng tren. 

Sa halip na bumili at mag-reload ng Beep cards o Stored-Value Smart cards na ginagamit sa LRT at MRT, maaring i-tap ng mga pasahero ang kanilang phones o cards sa turnstile bago pumasok sa railway platform. 

Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon, na sisimulan ng DOTr na mag-deploy ng cashless turnstiles para sa Automatic Fare Collection (AFC) System sa susunod na buwan. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).