TINAPOS ng Paris-Bound Filipino Gymnast na si Carlos Yulo ang kanyang kampanya sa 2024 Asian Gymnastics Union Men’s Artistic Gymnastics Championships sa Uzbekistan, sa pamamagitan ng dalawa pang gintong medalya mula sa vault at parallel bars.
Namayagpag si Yulo sa vault event sa score na 14.883 laban sa mga katunggali nito mula sa Uzbekistan at Malaysia.
Sa parallel bar events, nanguna rin ang pinoy gymnast sa score na 15.133 laban sa mga pambato ng China at Uzbekistan.
Sa kabuuan, nakapag-uwi si Yulo ng apat na gold medals sa edisyon ng naturang torneyo ngayong taon, kabilang ang dalawang gintong medalya mula sa individual all-around at floor exercise.