21 February 2025
Calbayog City
Province

Campsite 1 at 1 ng Mt. Pulag, pansamantalang isasara matapos tambakan ng basura ng trekkers

HINDI muna papayagang mapasok ng trekkers ang Campsite 1 & 2 ng Mt. Pulag sa Benguet.

Ayon ito sa abiso na nilagdaan ni Emerita Albas ng Mt. Pulag Protected Landscape (MPPL).

Kasunod ito ng isinagawang site investigation kamakailan kung saan Nakita ang maraming tambak ng basura sa Campsite 1 & 2.

Ito ay sa kabila ng regular na clean-up na ginagawa ng mga staff, porters at guides ng MPPL.

Ayon kay Albas, pansamantala munang ipasasara ang Campsite 1 & 2 para makapagsagawa ng rehabilitasyon.

Papatawan din ng penalties ang mga camper na mapatutunayang nag-iwan ng kanilang basura sa campsite.

Muli na lang maglalabas ng anunsyo ang MPPL kung kalian bubuksan ang Campsite 1 & 2.

Aatasan din ang mga camper na dalhin ang kanilang mga basura at huwag iwan sa campsite.

Aatasan din sila na gumamit ng re-usable water containers para maiwasan ang mas maraming kalat na hindi maganda ang dulot sa kalikasan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).