Inanunsyo ng Canadian singer na si Carly Rae Jepsen ang engagement nila ng Grammy-winning producer na si Cole Marsden Greif-Neill, a.k.a. Cole M.G.N., matapos ang dalawang taong pagde-date.
Ibinahagi ni Jepsen ang magandang balita sa Instagram na may straight-up caption na “very engaged over here.”
ALSO READ:
Sinamahan pa niya ito ng larawan nilang magkasintahan, habang suot ang kanyang bagong singsing.
Nagpaabot naman ng pagbati ang kapwa nila celebrities, kabilang ang American dancer-actress na si Julianne Hough at singer-songwriter na si Bonnie Mckee.




