INOKUPA ng Calbayog City ang ikatlong pwesto sa Tax Collection Efficiency para sa Locally-Sourced Revenues sa lahat ng mga lungsod at munisipalidad sa Eastern Visayas.
Batay ito sa latest report mula sa Bureau of Local Government Finance – Region 8.
Nanguna naman sa listahan ang Tacloban City habang pangalawa ang Ormoc City.
Iniugnay ni Calbayog City Treasurer Ma. Evelyn Obong-Junio, ang magandang performance ng lungsod sa epektibong Tax Mapping and Assessment, Community Engagement, Public Information Campaigns, at matatag na pamumuno ni Mayor Raymund “Monmon” Uy.
Binigyang diin din ni Obong-Junio ang dedikasyon at kapabilidad ng Revenue Collection Officers ng lungsod, gayundin ang pasasalamat sa Taxpayers sa patuloy na suporta at pagtalima sa pagbabayad ng kanilang Tax Obligations.