Kabilang muli ang lokal na pamahalaan ng Calbayog City sa pamumuno ni Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga nakapasa sa 2023 Good Financial Housekeeping sa Eastern Visayas.
As of Jan. 25, nasa ika-limang puwesto ang Calbayog City sa mga lungsod na nakapasa sa Good Financial Housekeeping na nasigsilbing balidasyon ng kanilang mahusay na pangangasiwa ng budget at finance sa transparent na pamamaraan.
Nanguna sa listahan ang Tacloban City, sumunod ang Borongan City, Baybay City, at Ormoc City.
Pang-anim ang Catbalogan City habang pang-pito ang Maasin City.