14 March 2025
Calbayog City
Local

Calbayog City kasama sa listahan ng mga lugar na itinuturing na areas of concern para sa 2025 elections

Kasama ang Calbayog City sa listahan ng mga lugar na itinuturing na areas of concern sa Region 8.

Sa inilabas na inisyal na listahan ng Commission on Elections (Comelec), ang lungsod ng Calbayog ay nasa ilalim ng YELLOW category na nangangahulugan na mayroong
history ng political unrest sa lungsod.

Nasa RED category naman ang Santa Margarita, Samar na nangangahulugan na ang lugar ay itinuturing na critical area.

Sa buong rehiyon ng Eastern Visayas, 27 lugar ang kasama sa areas of concern ng Comelec.

Kabilang dito ang 10 lugar sa Leyte, 10 lugar sa Northern Samar, at 7 sa Samar.

Ang listahan ng mga lugar na isinailalim sa areas of concern ay base sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).