NAKIISA si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT 2025), na may temang “The Evidence is Clear: Invest in Prevention, Break the Cycle,” kahapon.
Ang naturang event ay pinangasiwaan ng Calbayog City Drug Abuse Prevention & Rehabilitation Office, na ginanap sa Calbayog Convention Center.
Iprinisinta ni Mayor Mon ang certificates sa pitumpu’t siyam na Drug-Cleared Barangays at pinangunahan ang graduation ng dalawampu’t tatlong Outpatient Drug Rehabilitation Program Participants.
Kinabibilangan ito ng siyam mula sa Calbayog, labintatlo mula sa Northern Samar, at isa mula sa San Jorge, Samar).
Itinuturing ang event na malaking progreso sa hakbang ng Calbayog laban sa Drug Abuse.