NIYANIG ng magnitude 4.2 na lindol ang Dalupiri Island sa Cagayan.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 29 kilometers Southwest ng Dalupiri island, 12:19 ng tanghali ng lunes, Feb. 17.
May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity I sa Gonzaga, Cagayan at Pasuquin, Ilocos Norte.