Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Calbayog City.
Nangyari ang insidente umaga ng Aug. 14 sa Rama St. Brgy. East Awang.
Tacloban-Palo Diversion Road, tiniyak na makukumpleto sa 2028
Mga Calbayognon sa Middle East na nagpa-register sa I-Konek, umakyat na sa 210
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Nakilala ang biktima na si Roque Rivera, 45-anyos na residente ng nasabing barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Calbayog City Police Station, nag-iigib lamang ng tubig ang biktima nang dumating ang mga suspek lulan ng motorsiklo.
Bumaba ang angkas ng motorsiklo at saka pinaputukan ang biktima.
Naisugod pa sa Calbayog District Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang labingapat na basyo ng bala ng kalibre 5.56 na baril at isang deformed slug.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at nagkasa na rin ng hot pursuit operation para maaresto ang mga suspek.
