NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa mga deboto na nakararanas ng sintomas ng flu, gaya ng ubo’t sipon na huwag ng dumalo sa mga aktibidad na may kinalaman sa pista ng Hesus Nazareno.
Sinabi ni DOH Assistant Secretary Gloria Balboa na bagaman walang indikasyon na tumataas ng lagpas sa average level ang flu cases, mainam pa rin na manatili na lamang sa bahay ang mga mayroong sintomas.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Binigyang diin ni Balboa na madaling kumalat ang anumang sakit na naisasalin sa pamamagitan ng airborne particles o droplets, sa malalaking crowd.
Para sa mga nagpa-plano pa ring dumalo, sa kabila ng nararanasang sintomas, pinayuhan ng health official ang mga deboto na magsuot ng face mask.
