DUMALO si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) Payout na inorganisa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang naturang aktibidad ay sa pamamagitan ng inisyatibo ni Samar First District Cong. Stephen James “Jimboy” Tan, na ginanap sa Oquendo Covered Court sa Calbayog City.
Commander-in-Chief, muling pinagtibay ang pangakong Serbisyo at Kapayapaan sa Eastern Visayas
Pangulong Marcos, pinatitiyak sa DOH ang pagpapatupad ng Zero Billing Program
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Layunin ng programa na mabigyan ng tulong pinansyal na tatlunlibong piso ang bawat animnaraan at limang benepisyaryo mula sa labinlimang barangay sa lungsod.
Sa naturang event, nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Mon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagsuporta sa AKAP Payout at sa pagpapalawak ng ayuda para sa mga nangangailangan.
Pinasalamatan din ng alkalde ang lahat ng DSWD Personnel, Barangay Officials, at Coordinators sa ngalan ng LGU Calbayog, sa ipinakikita nilang sipag at dedikasyon sa pagsisilbi sa komunidad at upang matiyak ang tagumpay ng programa.