WINASAK ng Israeli air strike ang bahagi ng Al-Ahli Baptist Hospital, ang huling fully functional hospital sa Gaza City.
Ayon sa mga witness, sinira ng air strike ang intensive care at surgery departments ng ospital.
ALSO READ:
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
US Embassy sa Riyadh, tinamaan ng drones, ayon sa Saudi Defence Ministry
Fighter jets ng US tinarget ng Kuwait matapos mapagkamalang kalaban
Pope Leo nanawagan ng responsableng dayalogo at itigil ang karahasan sa Middle East
Sa video na naka-post online, makikita ang malaking apoy at usok matapos tamaan ng missiles ang two-storey buildings.
Inihayag naman ng Israel Defense Forces na tinarget nila ang Al-Ahli Baptist Hospital dahil matatagpuan dito ng “Command and Control Center” na ginamit ng Gamas.
Wala namang casualties na naiulat, ayon sa Civil Emergency Service sa Gaza.
